top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PAG-KNOCKOUT KAY BRONER GIGIL NANG GAWIN NI PACMAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2019
2 min read

SA nakaraan niyang mga laban, hindi pangkaraniwan kay Manny Pacquiao na magbigay ng knockout predictions.

Pero makaraan ang pagkakadale niya ng unang stoppage victory na hindi niya nagawa noon pero nangyari kay Lucas Matthysse noong Hulyo, maliwanag na sa kanya na nais niyang makaiskor ng nakatutulig na panalo.

Nakaiskedyul si Pacquiao na depensahan ang kanyang world welterweight title kontra kay Adrien Broner sa Enero 19, (Enero 20, Linggo sa Pilipinas) at malinaw ang kanyang prediksiyon kung ano ang nais niyang mangyari. “I am not making a prediction, but my goal is to knock out Broner,” saad ni Pacquiao sa report na ipinaskel ng BoxingScene.com.

“I forgot how much fun winning a fight by knockout was until I stopped Lucas Matthysse last summer to win the WBA welterweight title. It felt great to win that way and the fans loved it, too, so why not try for it again?”

Mula nang pabagsakin si Matthysse noong Hulyo, una nang wala pang naging impresibong victory si Pacquiao na tulad ng dati niyang ginagawang pagpapa-knockout sa mga kasagupa sa nakaraang 9 na taon.

Hindi naging madali kay Pacman na makaani ng reputasyon bilang pinaka-kinatatakutang knockout artist sa loob ng halos dalawang dekada.

Iyang reputasyon muli ang nais na ibalik ni Pacquiao sa sandaling makatilaran si Broner. “I have nothing personal against Adrien Broner,” ani Pacquiao. “This fight is strictly business. He is fun. He makes me laugh. He knows how to sell himself and to sell a fight.”

Hindi rin madali ang laban sa fighting senator, dahil ang 29-anyos na si Broner ay hindi pa natatalo sa knockout. Bagamat napabagsak ni Marcos Maidana si Broner ng dalawang beses noong 2013, nagawang maka-survive ng American boxer at madale sa unanimous decision loss. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page