top of page
Pokwang.jpg

P-Digong, hindi raw magsosori sa ibinidang pambabastos sa maid, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2019
2 min read

NOON, GALIT DAW SA KORUP SI P-DU­TERTE; NGAYON, SA COA NA SIYA GALIT — Nang mau­pong pangulo si P-Du­terte, ang sabi niya ay galit daw siya sa mga korup.

Ito na ang siste, nang sunud-sunod na ibi­nul­gar last year ng Commission on Audit (COA) ang korupsiyon sa iba’t ibang sangay ng Duterte gov’t. ay hindi na sa korup galit si P-Duterte kundi sa COA na ayon sa pangu­lo dapat daw ay ihulog sa hagdanan ang mga taga-COA at saka nana­wagan sa gov’t. officials na balewalain o dedma­hin na lang daw ang ginaga­wang pag-o-audit ng mga taga-COA sa pera ng bayan na nasa ka­nilang mga tanggapan, boom!

◘◘◘

MANUGANG AT BALAE NI SEC. DIOKNO, NAGKA-P551 MILYON ‘PRO­JECT’, EH DI WOW! —Ibinulgar ni House Majority Floor Leader Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. na P551 milyon daw ang nakopong “projects” sa Duterte gov’t. ng Are­mar Construction Corp. na pag-aari ng manugang at balae ni Budget Sec. Benjamin Diokno.

Ganu’n? Aba, shocking ‘yan kasi mahigit kalahating bilyong piso pala na pera ng bayan ang napunta sa kumpan­ya ng manugang at balae ni Diokno.

Ang nakapagtataka lang sa isyung ito, dak­dak nang dakdak si P-Du­terte na galit daw siya sa korupsiyon, pero ayaw niyang sibakin ang kanyang budget secretary na gumagawa ng kabalba­lan sa pera ng bayan, buwisit!

◘◘◘

AYAW MAG-SORRY, IBIG SABIHIN, PI­NA­NININDIGAN NI P-DUTERTE ANG IBINIDA NIYANG PAMBABASTOS SA KASAMBAHAY NILA? — Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala raw plano si P-Du­terte na humingi nang paumanhin sa ibinida nito sa publiko na pambabastos niya sa kanilang kasambahay noong kabataan niya.

Kumbaga, parang sinabi na rin ni Panelo na pinaninindigan ni P-Duterte na dapat lang bastusin ang mga ka­sambahay, susmaryo­sep!

◘◘◘

ANG TAGAL NA SA BUREAU OF CUSTOMS NI COMM. GUERRERO, PERO WALA PA SIYANG NATO-’TOKHANG’ NA SMUGGLER—Mula nang maging head ng BOC, hang­gang ngayon ay wala pang nababalitang may na­timbog na smuggler ang tropa ni Comm. Ray Leonardo ‘Jagger’ Guer­rero.

Aba, Comm. Guer­re­ro, magpasiklab ka naman sa publiko, mang- "tokhang” ka naman ng mga smuggler maliban na lang kung nais mong tularan sina ex-Comm. Nicanor Faeldon at ex-Comm. Isidro Lapeña na “nganga” lang sa mga manraraket sa BOC, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page