top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NAG-INIT SA LARO ANG ROCKETS NI HARDEN, GRIZZLIES AT PISTONS, NAGSUNTUKAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2019
  • 1 min read

INAWAT nang husto sina Omri Casspi at Garrett Temple ng Memphis Grizzlies nang magkasun­tukan ang dalawa sa kanilang postgame meeting kasunod ng pagkatalo kontra sa Detroit Pistons noong Miyerkules sa NBA game, ayon sa ulat ng The Athletic at ESPN.

Ayon sa ulat, nangyari ang upakan sa closed-door, locker-room meeting ipinatawag ni Memphis coach J.B. Bickerstaff sa mga players ng Memphis at trainers. Mainit daw na nagkasagutan sina Cass­pi at Temple at umabot sa suntukan nang hindi magustuhan ng nauna ang pintas na hindi naging maganda ang ipinakita ng mga nasa bench ng koponan habang kasagsagan ng laban kontra Pistons.

Samantala, lumalagablab ang mga kamay ni James Harden na dumale ng triple-double sa bisa ng 135-134 na overtime na pagwawagi ng Houston Rockets kontra defending champion Golden State Warriors.

Nakatabo ng 44 points, 15 assists at 10 rebounds si Harden para sa pagtatala ng ikalawang triple-double ngayong linggo at ikalima nang 40-point game. Nakatulong si Clint Capela sa mahu­say na 29 markers at 21 boards para sa Rockets. Nakuha rin ng Houston ang ika-6 na sunod na panalo. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page