Ikinakampanyang kandidato ‘pag natalo PATAYIN KO KAYO — DIGONG

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulitiko na hayaang malayang makaboto ang publiko sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo.
Sa kanyang talumpati sa birthday celebration ni Atty. Francis Tolentino, iginiit din ni Pangulong Duterte na dapat din umanong iwasan ang mga karahasan.
“Itong mga pulitiko… I know. I’m just appealing to you. Let the people vote freely. Wala lang tayong mga… you know, ‘yung terrorism,” ani P-Duterte.
Ayon sa pangulo, handa siyang tumulong sa pulitiko na may maliit na tsansang manalo kung saan hindi rin siya makikianib sa partikular na partido.
Sinabi rin ni P-Duterte na sa mga tagilid na pulitiko na lumapit sa kanya para ito ay kanyang maikampanya.
“Kung kandidato ka, tagilid ka, ‘wag mong i-terorismo. Tawagin mo ako, kampanyahan kita. Wala akong partido. Sabihin ko ‘pag hindi nanalo itong kandidato ko, patayin ko kayong lahat dito. Takutan na lang pero ‘wag mong totohanan,” pahayag ng pangulo na chairman ng PDP-Laban Party.
Kasunod na rin ito sa nangyaring pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe kung saan si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang itinuturong suspek sa krimen.





Comments