Gawin nating ligtas ang Traslacion 2019
- BULGAR

- Jan 5, 2019
- 1 min read

ILANG araw bago ang Traslacion ng Itim na Poong Nazareno, puspusan na ang paghahanda ng Simbahan at maging ng mga awtoridad.
Nakatakdang ipakakalat ang 7, 200 pulis sa mga rutang daraanan ng Traslacion sa Enero 9.
May magsisilbing ground commander, habang 2, 200 pulis ang ide-deploy at 5, 000 iba pa ang magsisilbing augmentation force.
Sa 6.1 kilometrong ruta ng Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang sa Simbahan ng Quiapo, magkakaroon ng 10 segments na pupuwestuhan ng mga segment commander.
Magpapatupad din ng no-fly zone, no-sail zone at no-signal zone sa ruta ng Itim na Poong Nazareno.
Lilimitahin din ang pagpapalipad ng drones.
Kaugnay nito, nilinaw naman na walang direktang banta sa araw ng Traslacion bagama’t, hindi umano magiging kampante ang kapulisan para tiyaking magiging mapayapa ang kabuuan ng pagtitipon.
Samantala, nananawagan din tayo sa lahat, lalo na sa milyong deboto na ingatan ang sarili.
Sadyang hindi maiwasan na may masaktan sa rami ng mga nakikiisa sa Traslacion pero, hangga’t maaari, iwasan sana nating mapahamak, tiyak na higit na ikalulugod ng Itim na Poong Nazareno kung lahat ng deboto ay ligtas na makauuwi.





Comments