top of page
Pokwang.jpg

Drug, gambling at smuggling lord, front lang ng law enforcement agency officials?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2019
1 min read

MAYROON bang drug lord?

Mayroon bang gambling lord, mayroon bang smuggling lord?

Ang sagot ay wala!

◘◘◘

Ang tinutukoy na drug lord, gambling lord at smuggling lord ay mga front lamang ng tunay na orihinal na utak ng mga pambihirang krimen ito sa ating lipunan.

Sa depinisyon lamang ay mali na dahil gumagamit ng katagang “lord”!

◘◘◘

Ang “lord” ay may konotasyon na may infinite power, infinite energy at hindi nakikita ng mga “mata”, pero nararamdaman lamang.

Ganyan din ang “tunay na utak” ng krimen kapag nakikilala ang “drug lord”, gambling lord at smuggling lord, hindi sila dapat tawaging “lord”!

◘◘◘

Sino ba ang nagbabansag na “lord” sa mga inaarestong suspek?

Hindi ba’t ang law enforcement officers?

Gusto kasing magkaroon ng credit at merit ang mismong iskalawag kaya kahit sinong suspek ay ituturong “lord” kakutsaba ang mga bopol na media na ikakalat din ng kasamahang media na walang alam sa kanilang trabaho.

◘◘◘

Ang illegal drugs , illegal gambling at smuggling ay hindi mareresolba dahil ang itinuturong mga utak ng krimen ay fall guys lamang.

Sila ay “front” mismo ng mga law enforcement agency officials na siyang tunay na nakaaalam ng modus-operandi.

◘◘◘

Hindi mareresolba ang tatlong krimeng ito dahil mali ang konsepto at konteksto ng mga nagbibigay ng impormasyon sa madla at mismong sa matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ang mga batas ay nakapundasyon at nakasulat sa maling konsepto, konteksto ay esensiya ng problema.

◘◘◘

‘Yan mismo ang ugat kaya hindi mareresolba ang kriminalidad, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig.

Mahina kasi ang kukote ng mga mambabatas at mga ehekutibo sa gobyerno!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page