BLIND ITEM

BLIND ITEM:
Gaano kaya katotoo ang nakarating din sa aming kuwento ng reliable source na dahil alam ng isang beauty queen na malaki talaga ang tsansa ng 2018 Ms. Universe na iuwi nito ang korona ay kumonsulta ito sa isang life coach para makondisyon ang sarili niya at matanggap na may papalit na sa puwesto niya?
Popularidad, pelikula, sunud-sunod na endorsements at ‘di biru-biro rin kasi ang kinita niya mula nang iuwi niya ang korona.
Ngayong nanalo na si Catriona ay siguradong mababawasan na kung anuman ang natamasa niya dahil mapupunta na ito sa bagong Ms. Universe.
Marami rin ang nagsasabi sa amin na ngayon ay tiyak na bababa na rin ang ere ng mga taong nakapaligid sa naturang beauty queen na mas may attitude at yabang nu’ng panahong namamayagpag ang alaga nila.





Comments