top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Asong nilagyan ng paputok at pinasabog sa bibig, nakakadurog ng puso!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2019
  • 1 min read

KUNG masaya ang karamihan sa atin sa pagsalubong sa 2019, tiyak kakaibang sakit ang naramdaman ng aso na nag-viral sa social media kung saan kitang-kita ang duguan nitong bibig matapos umanong lagyan ng paputok noong pag­salubong sa Bagong Taon.

Ayon sa post, napagtripan umano ang aspin ng mga kabataan kung saan nilag­yan ito ng piccolo sa bibig ng walang da­hilan na nagre­sulta ng pagkalagas ng kanyang mga ngipin at pagkabasag ng kanyang panga na naka­panlulumo ta­laga.

Gayunman, hindi lang ito ang unang pang­yayari na may inabuso at minal­tratong hayop tulad ng aso, pusa atbp., pero marami pa ring mga indibidwal ang tila hindi natatakot na gawin ito sa kanila.

Samantala, tulad ng tao, ang mga ha­yop ay mayroon ding damdamin at buhay kaya dapat natin silang alagaan at ituring na pamilya o kaibigan.

Bagama’t, nakalulungkot na may mga taong kayang manakit ng hayop nang basta-basta lamang, ang hiling natin ay hindi na sana maulit ang ganitong mga pangyayari.

Para makatulong tayo sa pagpapaig­ting ng proteksiyon para sa kanila, simu­lan natin sa ating sarili at maging respon­sableng pet owner tayo.

Kung gaano natin pinahahalagahan ang ating mga mahal sa buhay, gayundin natin mahalin ang ating mga alagang hayop.

Ngayon, kung patuloy natin silang sa­sak­tan ng walang dahilan, eh, mas masa­hol pa pala tayo sa hayop!

Gayundin, para sa mga kinauukulan, pro­teksiyon para sa mga hayop na pag­gala-gala, paigtingin!

STOP ANIMAL CRUELTY!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page