top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ROMEO, SIMULA NA ENSAYO, ALAPAG, ASST.COACH NG SMB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2019
  • 2 min read

DUMATING na sa ensayo ng San Miguel si Terrence Romeo habang pormal nang naatasan bilang assistant coach ng Beermen si Jimmy Alapag

Sumama na sa ensayo si Romeo kahapon matapos siyang ma-trade papunta sa San Miguel mula sa TNT kapalit sina Dave Semerad, Brian Heruela, at dalawang draft picks.

Mismong si San Miguel board of governor Robert Non ang nagpakilala kay Romeo sa team bago magsimula ang ensayo.

Samantala, ipinakilala rin ni Non si Alapag sa koponan bilang isa sa mga assistant coach na magiging katuwang ni head coach Leo Austria sa Beermen.

Makakasama ni Alapag sa coaching staff ang mga assistant coaches na sina Ato Agustin, Boysie Zamar, Jorge Gallent, Biboy Ravanes, Peter Martin at Dayong Mendoza.Nabalot ng kontrobersya ang paglipat ni Romeo sa San Miguel.

Ayon sa mga ulat, nagkaroon ng petisyonang ilang mga players ng TNT sa management na alisin si Romeo sa koponan.

“Siguro yung totoo nu’n, kungsasabihin ko ‘yung totoong dahilan, hahaba lang ang usapan. Magmu-move on na lang ako.

Kung ano man yungsinabi nila sa akin, kung ano man ‘yung nilabas nila na write-ups about sa nag-AWOL ako, hindi raw ako ma-contact pati noong Christmas party, kung ano man ang sinabi nila.

Basta may mga text kasi ako namga date na ‘yun, nirereplayan nila ako. Kung ganu’n nila pinalabas, wala na akong magagawa.

Pagbubutihan ko lang sa bago kong team,” saad ni Romeo.Matatandaang naglaro si Alapag sa mga koponan ng MVP group, una sa Talk‘N Text mula 2003 hanggang 2015, at Meralco mula 2015 hanggang 2016.

Sakasalukuyan ay head coach si Alapag ng San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League kung saan nagbigay siya ng kampeonato sa koponan noong2016-2017 season ng liga. “I’d like to thank Boss Robert, Boss Al (Chua), Boss RSA for this opportunity.

I’m just here to help whatever way, shape, or form. That’swhy I’m here. Again, just thankful. It’s a great opportunity. This franchise has a longstory of winning.

And I want to do my best to continue it,” wika ni Alapag sa koponan bago magsimula ang ensayo. (Alvin Olivar)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page