Mall sa Cotabato binomba, hirit ng Malacañang | MINDANAO, VERY SAFE
- Mylene Alfonso
- Jan 4, 2019
- 1 min read

TINIYAK ng Malacañang na ‘very safe’ ang pagbiyahe sa Mindanao kasunod ng nangyaring pagsabog sa Cotabato at nagpalabas naman ng babala ang U.K. at Australia para sa kanilang mamamayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naniniwala sila sa naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ligtas na bumiyahe sa Mindanao. “So, in so far as the National Defense Secretary is concerned, it’s very safe to travel sa Mindanao,” ani Panelo.
Sinabi rin ni Panelo na isolated incident lamang ang nangyaring pagsabog sa Cotabato at normal lamang umano para sa mga foreign government na protektahan at tiyakin ang seguridad ng kanilang mga kababayan.
Matatandaang, dalawa katao ang namatay at 35 ang sugatan sa nagyaring pagbomba sa isang mall noong Disyembre 31 ng nakalipas na taon.





Comments