top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MAG-IINA TIKLO SA P2.3 MILYONG SHABU

Maeng Santos
Jan 4, 2019
1 min read

TINATAYANG nasa P2.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa mag-iina na naaresto sa buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel ang naarestong mga suspek na si Belen Piñero alyas Mommy, 39, kanyang mga anak na sina Mary Josephine Esguerra, 18, estudyante at Rodney Esguerra, 19, ng Malhacan, Meycauayan City.

Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdie del Rosario, alas-4:20 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCI Rengie Deimos ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa isang gasolinahan sa kahabaan ng Rizal Ave., Bgy. 120.

Nagawang makabili sa mga suspek ng isang plastic ng shabu ni PO1 Mark Teody Diel na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P50,000 boodle money at nang magkaabutan, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mag-iina.

Ani PO1 Aian-Jay Gamayon, bukod sa nabiling shabu at buy-bust money, narekober pa sa mga suspek ang limang plastic sachets at isang ice plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot lahat sa P2.3 milyon.

Inaalam na ng mga pulis sa mga naarestong suspek kung saan nila kinukuha ang ibinebentang iligal na droga upangmaaresto ang mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page