top of page

Ilang paraan para maiwasan ang Hepa B

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Totoo ba na kapag ang nanay ay may HepatitisB nang manganak ay maaari nitong mahawahanang kanyang sanggol? Paano ito magagamot? — Delfa

Sagot Ang Hepatitis B ay virus na tinatamaan ang ating atay.

Makikita ang virus sa dugo, laway, semilya at reglang taong mayroon nito. Kadalasan, ang Hepatitis B ay panghabambuhay.

Nakukuha ang Hepatitis B sa 3 pagkakaton:

• Naipapasa ng ina sa kanyang anak pagkapanganak.

• Nakipagtalik o nahawa sa taong mayroon nito.

• Nasalinan ng dugong may HepatitisB.

Narito ang mga dapat gawin paramaiwasan ang pagkakaroon nito:

• Iwasan ang labis na pag-inom ng alak — ang labis na pag-inom ng alak ay nakasisira ng atay.

• Huwag basta iinom ng gamot o herbal supplements — may mga gamot na puwedeng makasira ng atay.

• Mahalaga ang healthy at clean living— kumain ng masusustansiyang pagkain at matulog ng 7-8 oras.

• Huwag abusuhin ang katawan sasigarilyo at puyat.

• Mag-ehersisyo 3-5 beses sa isang linggo.

• Huwag gumamit ng anumang gamit nila tulad ng pang-ahit, toothbrush at kutsara ng may Hepatitis B.

• Siguraduhing protektado ang partner sa Hepatitis B — ugaliing gumamit ng condom tuwing makikipagtalik. May gamot ba ang Hepatitis B? Mayroong mga gamot para sa Hepatitis B tulad ng interferon at lamivudine.

Depende sa examination ng dugo, may mga pasyenteng puwedeng matulungan ng mga gamot.

Gayunman, mahalagang magpakonsulta muna sa doktor para mabigyan ng tamang gamot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page