top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Botikang hindi susunod sa pagtapyas ng buwis sa gamot, bantayan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2019
2 min read

AYON kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang paniniwala ng mga Kristiyano sa Holy Trinity ay kalokohan,

“shaking long held religious tenets and beliefs that instead of molding them into being righteous individuals make them cling to religion as an opium.”

Sa madaling salita, hindi naniniwala si P-Dutertesa Banal na Trinidad dahil kalokohan daw ito at nagdaragdag lang sa tila epekto ng iligal na droga ang relihiyon imbes na tunay na pananampalataya.

Kung ganyan ang kanyang pangangatwiran,masama bang pintasan ang kampanya kontra iligal na droga dahil gusto lang halughugin ang paniniwala na ang pumatay ng mga adik ay sagot sa problema ng iligal na droga?

Mainit talaga si P-Duterte sa mga Kristiyano.

Hindi lang ang Simbahanang tinitira ngayon kundi ang mga turo at paniniwala na ilang libong taon nang nand’yan.

Masama siguro ang ginawa sa kanya ng Simbahan para magalit siya ng ganyan? Sana ngayong Bagong Taon, imbes na puntiryahin ang Simbahan, problema na lang bansa ang harapin tulad ng korupsiyon, kahirapan at mataas na presyo ng mga bilihin.

◘◘◘

Good news para sa may sakit nadiabetes, mataas na cholesterol at altapresyon — wala ng VAT ang mga gamot para sa mga sakit na ito.

Kaya kung alam natin ang presyo ng mgagamot natin, dapat mapansin nating mas mura na ito kumpara noon dahil hindi na ito papatawan ng buwis.

Kapag hindi tumupad ang botikang pinagbibilhan ng mga gamot, puwede itong ipaalam sa gobyerno, partikular sa BIR.

Hindi kayang bantayan ang lahat ng botika kaya makatutulong ang mamamayan dito.

Nasa website daw ng DOH ang listahan ng mga gamot na sakop ng VAT exemption para makita ng lahat.

Alamin kung ang ating gamot ay kasama sa listahan.

Kung hindi naman, baka puwedeng ipapalit saating mga doktor para menos gastosna sa atin.

Mabuti at may ganitong pagbawas sa gastos ngayong Bagong Taon dahil tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa TRAIN Law.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page