top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BIADO AT GARCIA SA GOLDEN DOUBLE NG WORLD 9 AT 10-BALL?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2019
1 min read

HINDI malayong maka-golden double ang mga premyadong cue artists ng bansa ngayong 2019 sa pandaigdigang entablado sa pag-usad ng taunang World 9-Ball Championships sa Doha, Qatar at ang pagbabalik sa eksena ng World 10-Ball Championships na ngayon ay masasaksihan sa Las Vegas, Nevada.

Sa bakbakan sa 9-ball, hindi nawawala sa centerstage ang mga Pinoy dahil isang 1-2finish ang naiposte nina Carlo Biado at Roland Garcia noong 2017 World 9-Ball sa Qatar.

Noong 2018, sumegunda si Biado sa kabila ng harurot ng Europeans. Sa 2017 WorldGames, ginto ang nakuha ni Biado kontra sa isa pang pambato ng Europe.

Pagkatapos ng ilang taong pananahimik ay muling masasaksihan ang World 10-BallChampionships.

USA ang tumatayong punong-abala ngayong 2019 hanggang 2021. Bagamat walang10-Ball world tilt, hindi naman na nanahimik ang mga Pinoy. Kamakailan lang ay hinirang na kampeon si Garcia sa isang malupit na field na lumahok sa 40th Sen. Emmanuel Pacquiao 10-Ball Tournament sa General Santos City.

Sa Indonesia, si Biado ang nakakuhang trono ng Jogyakarta 10-Ball International.

Pero siguradong pipigilan ng mga manunumbok mula sa iba’t-ibang parte ng mundoang adhikaing ito ng mga Pinoy.

Kasama sa listahan ng mga gustong humarang sina ShaneVan Boening, Skyler Woodward at Corey Deuel ng USA; Taiwanese Pin Yi Ko at Jung LinChang; Thorsten Hohmann at world 9-ball king Joshua Filler; World Pool Masters titlist Dutch Niels Feijen, World Pool Billiards Association (WPA) no. 1 Alexander Kazakis ngGreece, Scotland ace WPA no. 9 Jayson Shaw, Chris Melling ng Great Britain at JiaqingWu ng China. (Eddie M. Paez, Jr.)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page