VAT sa presyo ng lahat ng gamot, tanggalin na!
- BULGAR

- Jan 3, 2019
- 1 min read
MARAMI ang nagkakasakit ngayong unang linggo ng 2019.
Dahil ‘yan sa pagbabago ng panahon!
◘◘◘
SA kabila ng batas sa cheaper medicine, mataas pa rin ang halaga ng mga gamot.
Hindi pa rin ito kaya ng ordinaryong mamamayan!
◘◘◘
INIREREKOMENDA ni Gov. Imee Marcos na tanggalin ang VAT sa presyo ng lahat ng gamot.
‘Yan ang malaking tama!
◘◘◘
TAMA lang na irebyu o amyendahan ang Cheaper Medicine Act.
Kung aalisin ang VAT, bababa ang presyo ng mga gamot sa botika!
◘◘◘
AYON kay Gov. Imee, nagkakamal pa rin ang pharmaceutical companies dahil sa sobrang taas ng presyo ng gamot.
Marami ring nagdarahop, ang namatay nang hindi nakatitikim ng gamot!
◘◘◘
PERO, ang mataas na presyo ng gamot ay dahil din sa buwis na ipinapataw ng gobyerno.
Kung seryoso ang gobyerno na saklolohan ang hanay ng mga nagdarahop, tama lang na tanggalin ang VAT!
◘◘◘
DIREKTANG desisyon ‘yan ng gobyerno at direktang makatutulong sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap na mamamayan.
Bakit kinakailangang parusahan ng buwis ang mamamayang nagkakasakit?
Sentido-komon lang ‘yan!
◘◘◘
MATAAS pa rin ang presyo ng mga gamot sa mga grabeng sakit at pangmatagalang karamdaman.
Tatanggalin ang VAT sa gamot laban sa diabetes, kolesterol at hypertension batay sa TRAIN Law 2.
Pero, dapat lahat ng gamot ay tanggalan ng VAT.
‘Yan ang tunay na makatutulong sa ordinaryong mamamayan!





Comments