top of page

Simpleng tips para umunlad ang estudyante sa pag-aaral ngayong taon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2019
  • 2 min read

HINDI maikakaila na labis na masaya ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa ating bansa da­hil sa makabuluhan nating kultura at kalaka­ran.

Sabik na pinaghahandaan ng bawat pamilya ang sarili, ang tahanan at ang kanilang ihahan­dang mga pagkain tuwing media noche. Hindi maaaring mawala ang sabay-sabay na pag­punta sa mesa ng bawat pamilya kasama ang ilang bisita upang magsalu-salo sa nakahaing pag­kain.

Kung ating iisipin, iba-iba ang tradisyon at kultura ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa ibang bansa kung saan may kani-kanyang estilo at pamamaraan din sila ng magandang seleb­rasyon, halimbawa sa Cambodia na ipagdiri­wang pa sa Abril 13, habang sa Thailand naman ay ipagdiriwang ito mula Abril 13 hanggang 15 sa pamamagitan ng paghahagis ng tubig.

Siyempre, wala pa ring makatatalo sa tra­disyon na kinagisnan nating mga Pinoy tu­wing sinasalubong at ipinagdiriwang ang ga­nitong selebrasyon tulad ng pagtalon nang 12 beses para raw tumangkad, pagpapatunog ng mga barya sa loob ng bulsa para sa mas masa­ganang taon, torotot para sa pagtaboy ng ma­sasamang espiritu at higit sa lahat, ang salu-salo ng pamilya sa hapag-kainan para palaging kumpleto at puno ng pagmamahalan para sa bawat isa. Ang lahat ng ito ay sumi­simbolo sa ating mga buhay ng bagong pani­mula ng pag-asa, pagkakaisa, kasiyahan, pag­mamahal at biyaya.

Ngayong isang taon na naman ang nag­daan at panibagong taon muli ang dumating, panigurado, hindi lamang ang mga nakatatanda ang naghanda ng mga plano ngayong 2019 kundi pati ang mga batang mag-aaral na ang pangu­nahing prayoridad ay matagumpay na matapos ang kanilang pag-aaral ngayong School Year 2018-2019.

Magandang oportunidad ang panahong ito para pag-isipan ng kabataan kung saan sila nagkamali at paano ito maiiwasan ngayong taon, ano ang mga susunod na hakbangin upang tumaas pa ang marka sa mahihinang sub­ject? Ano ang kanilang kukuning kurso sa kolehiyo at mga bagay na makapagpapasaya sa kanilang mga magulang?

Sa pagsubaybay ng kanilang mga guro, positibo nating inaasahan na magiging kaaya-aya ang takbo ng kanilang pag-aaral. Siyempre, magiging posible lamang ito kung may kaakibat na disiplina at pagpupursige sa parte ng estud­yante.

Narito ang simpleng tips upang umunlad sa pag-aaral ngayong taon:

  1. Iwasan ang pagliban sa klase nang walang dahilan.

  2. Gawin ang assignments, proyekto at pa­nanaliksik.

  3. Sumali sa mga programa o organisasyon tulad ng subject clubs, student government at iba pa.

  4. Sumunod sa patakaran at tuntunin ng pa­aralan.

  5. Igalang ang mga guro, kamag-aral, ma­gulang at iba pa.

  6. Mag-aral nang mabuti.

Ilang paalala lamang ito ngunit, kung su­sundin ng ating mga kabataan ay hindi sila mapapariwara. Maraming aral na napulot ang bawat isa sa mga naging karanasan mula sa nagdaang taon. Tandaan, walang edad ang pi­nipili ng kabutihan kaya gamitin ang likas na talino para sa ikabubuti ng sarili at ng ibang tao sa pamamagitan ng pagiging mabait, matulungin at mapagmalasakit.

Higit sa lahat, harapin ang taong ito na may pagpapasalamat at pagtitiwala sa ating Maykapal. Bagong Taon man o hindi, anuman ang panahon ay matutong magpakumbaba at magpatawad. Happy New Year sa ating lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page