OBRA MAESTRA, IHAHANDA SA TRIPLE CROWN RACE
- Green Lantern
- Jan 3, 2019
- 1 min read

NGAYONG bagong taon maraming magagaling na kabayo ang inihahanda kaugnay sa nalalapit na malalaking pakarera nang taong 2019.
Nakalinya ang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) tulad ng Triple Crown series bago matapos ang buwan ng Marso hanggang Hulyo 2019. Nariyan din ang Imported Championship.
Katunayan may mga inihanda na ang ilang horse owner at naglaban-laban sa katatapos na 2018 Philracom Juvenile Championship at pinagwagian ng Obra Maestra.
Ang Obra Maestra ay masasabing wala pang makakalaban na mabigat sa ipinakitang galing nito sa nakaraang laban.
Sa imported na kabayo isa ang Wooloomooloo, ang may angking bilis at tulin ang isa sa magagagaling na mananakbong imported.
Sa mga bagong horse owner ilan sa mga ito ang bumili ng mga imported na kabayo at local horses tulad nina Emong Diokno, may-ari ng mga kabayong Boss Emong, Princess Eowyn, Jun Tailor at marami pang iba.
Nariyan din si B.U. Tecson, may-ari ng Garantisado, at WooLooMooLoo, na nagpakita ng bilis at husay. Subalit nariyan ang SC Stock Farm Inc, nag-aalaga ng mga imported horses at Local Horses na katunayan ay maraming mananakbo ang nagkampeon sa loob ng dalawang taon na magkakasunod. Hindi maisasantabi ang mga horse owner tulad nina W.T.Tan at Atty. Narciso Morales, A.V.Tan Jr. at iba pa.





Comments