top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

MUNTI VS. PASAY CITY SA MPBL DATU CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2019
1 min read

MULING aaksiyon ang MPBL Datu Cup ngayong Huwebes bilang pambuwenamano sa pagsisimula ng Bagong Taon, ang Muntinlupa kontra Pasay City ang lalarga sa main game ng Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Minsan nang naging tournament leader ang Angelis Cagers na may hawak na 10-5 win loss card at solong segunda sa southern division ng torneong inilunsad ni Senator Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang commissioner.

Haharapin nila ang matamlay na Voyagers team na apat na beses na natalo nitong huling laro at nasa 11th spot hawak ang 6-12 win-loss record sa 9 p.m. na engkuwentro.

Kasunod ng pagbabago sa roster, kabilang ang kontrobersiyal na pagbabago sa coach, determinado ang Cagers na mag-move on at palakasin ang kontensiyon at isara ang elimination round na nakatuntong sa tuktok ng standings.

Ang kanilang 80-74 triumph laban sa Imus Bandera sa huling laro ng 2018 ay maaaring simula sa mas positibo para sa Cagers.

Ang Quezon City na umaangat ang team ay sasagupa sa Pasig sa first game ng 7 p.m. Ang Capitals ay nakapagwagi sa huling tatlong laro upang umibayo ang win-loss record sa 6-8. Babanat sila kontra Pirates team, na may worst record na 2-14 at natalo ng limang sunod. Laro Ngayong Huwebes (Alonte Sports Arena) 7 p.m. – Pasig vs Quezon City 9 p.m. – Muntinlupa vs Pasay. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page