top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

LESS-ARMY DRAGON BOAT TEAM, MGA SIBILYAN NA LANG ANG ATLETA

Clyde Mariano
Jan 3, 2019
1 min read

ALAM nang marami na lahat ng National Sports Associations ay pawang may mga atletang kasapi sa tatlong major services ng AFP Navy, Army at Air Force.

Isa na ang Dragon Boat na wala nang military enlisted personnel nga­yon at lahat ng kasapi sa national team ay pawang sibilyan na.

Ayon kay Philippine Dragon Boat/Canoe Ka­yak president Jonne Go hindi sila kumukuha ng atletang sun­dalo dahil sa nature nang kanilang trabaho at ayaw niyang mag­karoon ng problema.

“Hindi sa ayaw na­min. Iniwasan naming magkaroon ng proble­ma pag may kasama sa team na sundalo. Mahi­rap hagilapin ang mga sundalong atleta para mag-ensayo. Kapag ka­ilangang mag-ensayo at hindi available dahil naka duty. Kailangan pang sumulat at hingin ang pahintulot nang ka­nilang superior para mag- training di tulad sa civilian na always avail­able anytime you need them to train,” pahayag ni Go.

Ayon sa kanya wala siyang problema sa kan­yang mga atleta na laging nandiyan at handang mag-ensayo kung kaila­ngan dahil nagsama-sama sila sa isang quarter.

Ganoon din ang sinabi ni coach Len Escollante ay ayon sa kanya hindi sila kumukuha ng sundalo dahil hectic ang trabaho at kailangan mo pang pu­munta sa kanilang kampo at hingin ang pahintulot ng kanilang superiors.

Ang dragon boat ay kasama sa 56 sports na lalaruin sa 2019 Southeast Asian Games tampok ang mahigit 10,000 atleta na mula sa 11 mga bansa na gagawin sa modernong New Clark City sa Capas, Tarlac.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page