top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LE TOUR, NIRE-ISKEDYUL SA HUNYO, PARA SA SEA GAMES REHAB NG BICOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2019
  • 2 min read

INILIPAT ng organizer ng Le Tour de Filipinas (LT­dF) ang karera para sa 10th edition upang maipatupad ang aktibong paglahok sa paghahanda ng bansa sa pag-host ng 30th Southeast Asian Games at para magkaroon pa ng tamang panahon na isaayos ang sinalanta ng kalamidad sa probinsiya ng rehiyon ng Bicol.

Sinabi ni UBE Media Inc. President Donna Lina na ang LTdF ay orihinal na nakaiskedyul ng Pebrero 17 hanggang 21—bilang unang five-stage race mula sa nagdaang four stages na umangat na ang antas sa unang dekada.

Pero dahil magho-host ang bansa ng SEA Games mula Nob. 30 hanggang Dis­yembre 11 ng taon na ito, aniya ang papel ng LTdF para sa paghahanda sa top riders na sasabak sa biennial multi-sport regional competitions na siya nang iho-host ng bansa ay ikaapat na beses pa lamang matapos noong 1981, 1991 at 2005.

Sinulatan na ng UBE Media ang International Cycling Union or UCI, ang world governing body ng cycling at ng Asian Cycling Confederation and Phil­Cycling under President Rep. Abraham Tolentino at Chairman Bert Lina na iurong ang petsa ng karera sa Hunyo 14 to 18. “The Le Tour organization wanted to help harness our cyclists to their best possible condition in time for the SEA Games,” ani Lina. “And because of the recent calamity that struck Camarines Sur, Albay, Sorsogon and the rest of the Bicol Region, it has become more imperative that we postpone the race.”

Deklarado ang Albay, Camarines Sur at Sorsogon na isang state of calamity bunga ng pananalasa ng bagyong Usman, na naging dahilan ng mga pagguho ng lupa at malawakang pagbaha sa mga lugar kung saan tatahak ang LTdF’s 10th edition lalo na sa bayan ng Sag­nay na mas matinding sina­lanta. “In as much as we are ecstatic to celebrate 10 years of the Le Tour, we are one in prayers that our countrymen in the Bicol Region recover fast and well from the calamity,” ani Lina.

Noong nakaraang taon, iniatras ang LTdF mula Pebrero at ginawang Mayo matapos ang pagputok ng Mayon Volcano noong Ene­ro. Ang LTdF ngayong taon ay magsisimula sa Tagaytay City, ang main hub ng lahat ng cycling disciplines—road, mountain bike at BMX—para sa SEA Games —at tatahak sa Batangas, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon. Sa Legaspi City ang magsisilbing finish ng five-stage Category 2.2 UCI Asia Tour race.

Si El Joshua Carino ng Philippine Navy-Standard Insurance ay inaasahan na dedepensa ng kanyang korona at kakarera rin sina 2014 winner Mark John Lexer Galedo ng continental team 7-Eleven Cliqq Road­bike Philippines.

Ang newly-minted continental team na Go For Gold at ang National Under-23 Team ng Phil­Cycling ay masisilayan din sa aksiyon. (MC / VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page