Kung maaaring makakuha ng copyright ng musical compositions kahit walang lyrics ang kanta
- BULGAR

- Jan 3, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung may karapatan ba ako sa copyright ng aking mga nagawang musical composition kahit na ang mga ito ay walang salita o lyrics? — Roxan
Dear Roxan,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 172 ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“SECTION 172. Literary and Artistic Works. —
172.1. Literary and artistic works, hereinafter referred to as “works”, are original intellectual creations in the literary and artistic domain protected from the moment of their creation and shall include in particular:
xxx.
f. Musical compositions, with or without words;
xxx.”
(Binigyang diin)
Samakatwid, may karapatan kayo sa copyright ng inyong gawang musical compositions kahit na ang mga ito ay walang salita o lyrics.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments