Kelot nanagasa, 9 sugatan
- Jersy Sanchez
- Jan 3, 2019
- 1 min read
SUGATAN ang hindi bababa sa siyam katao matapos sagasaan habang sinasalubong ang Bagong Taon sa Tokyo, Japan.
Kinilala ang suspek na si Kazuhiro Kusakabe, 21, na sadyang nanagasa sa Takeshita Street, Harajuku.
Ayon sa awtoridad, isa sa mga biktima ang lubhang nasugatan sa insidente.
Sinabi umano ng suspek na ginawa niya ang naturang pananagasa bilang ‘retribution’ para sa death penalty.





Comments