FRANCISCO AT YONGCO, BULILIT CHAMP SA EN PASSANT CHESS

PATULOY ang paghahanap ng susunod na bituin ng ahedres mula sa bansa sa tulong ng iba’t-ibang kiddies’ chess tournaments.
Sa En Passant Chess Association Yearender Chess Tournament 14 Years & Below, nakopo ng top three seeds na sina Cyrus Vladimir Francisco, Joshua Michael Yongco at Johann Cedric Gaddi ang mga upuan sa podium pagkatapos ng pitong rounds ng tagisan ng galing sa loob ng Alphaland Southgate Mall sa Makati.
Humaribas si Francisco, no. 2 sa pre-tournament rankings at may 2049 na rating, sa limang panalo at dalawang tabla upang maselyuhan ang korona nang walang natikmang pagkatlo dala ang kartadang anim na puntos. Nakita ang tikas ng 13-taong gulang na chesser laban kina no. 41 David Kiel Briones (round 2), 19th ranked Charlemagne Romanillos (round 3), no. 8 Al-Basher Buto (round 4), 3rd ranked Gaddi (round 5) at ang topseed na si Yonco (round 6) bukod sa pakikipaghatian niya ng puntos kina 25th Joel Sebastian (round 1) at 9th ranked Zeus Alexis Paglinawan (round 7).
Ang rekord na 5.5 puntos kasama ang superior tiebreak performance ang naging pasaporte ni Yongco para makuha ang bridesmaid wind-up habang si Gaddi ay nakuntento sa pangatlong puwesto sa palgsahang umakit ng 55 batang disipulo ng chess.





Comments