top of page
Pokwang.jpg

Driver todas sa aksidente

Pabs Hernandez III
Jan 3, 2019
1 min read

PANGASINAN—Isang driver ang namatay at sugatan ang tatlo nitong kasama nang aksidenteng bumangga sa puno ang sinasakyan nilang behikulo, kamakalawa sa Bgy. Bacabac, Bugallon sa lalawigang ito.

Nakilala ang nasawi na si Jonaven Pabondia, samantalang, ang mga sugatan ay ang dalawa ni­tong kapamilya na sina Arnulfo Pabondia, Arjay Pabondia at Gina Lorico.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Jonaven sa pagmamaneho kaya aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang sasakyan sa puno sa naturang barangay.

Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Jonaven.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page