top of page

DAVAO, BAGONG HOST VENUE SA 40 KALAHOK NG NAT’L PRISAA

  • Clyde Mariano
  • Jan 3, 2019
  • 2 min read

MATAPOS i-host ang ASEAN Plus Chess Championship, muli na namang aagaw ng pansin ang Davao bilang sports venue sa 2019 National PRISSA (Private Schools Athletics Association) tampok ang mga atle­tang galing sa mahigit 40 colleges and universities bago gawin ang 30th Southeast Asian Games sa Disyembre sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Inaasahang bibigyan ng buong suporta ni President Rodrigo Roa Duterte ang pinakamalaking private sports spectacle sa bansa na binubuo ng mga private colleges and universities may motto “harness the potentials of student-athletes for excellence in sports”.

Nakuha ng Davao ang hosting sa 2019 PRISAA meet sa Tagbilaran, Bohol kung saan ginawa ang 2018 edition.

Ito ang pangalawang be­ses na gagawin ang annual multi-event sports competition sa nasabing lugar kung saan matatagpuan ang pi­nakamalaking agila at ang aphrodisiac na prutas na durian. Ang PRISAA ay pi­nag­ku­kunan ng national athletes.

Ang mga promi­nenteng atleta mula sa nasabing sports organization ay sina Hidilyn Diaz, Mona Sulai­man, Josephine de la Vina, Rogelio Onofre at Mercedita Manipol.

Si Sulaiman ay itinanghal na Asian Games at SEA Games fastest woman; si Onofre tubong Pangasinan ay naging sprint king at mortal na kalaban ni Malaysian sprinter Manny Jegatessan at Anat Ratanapul ng Thailand; ang Cebuana na si De la Vina ang itinanghal na shot put at discuss throw queen sa SEA Games at si Manipol na tubong Romblon at ka­babayan ni track legend Elma Muros-Posadas ay naging kanpeon sa SEA Games marathon at matagal naging kampeon sa local marathon. Unang nilaro ang PRISAA noong 1953 sa makasay­sayang Rizal Memorial Sports Complex at nilaro sa iba’t-ibang panig ng bansa on rotation basis sa Luzon, Visayas at Min­danao.

Ang PRISAA ang ta­nging sports association na nagdaraos ng nationwide annual sports competitions sa private school institutions parehong sa youth at senior divisions.

Ito rin ang pinaka­malaking sports association sa bansa na mahigit 400 private colleges and universities sa 17 regions.

“Kasama sa mga sports ay athletics, swimming, badminton, basketball, baseball, beach volleyball, boxing, chess, dance sport, football, karatedo, sepak takraw, softball, volleyball, table tennis, lawn tennis, taekwondo, at weight­lifting.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page