top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2.5 milyong deboto, daragsa sa traslacion

  • Mylene Alfonso
  • Jan 3, 2019
  • 1 min read

PINAGHAHANDAAN ng Metro Manila Police, ang may 2.5 milyong deboto na daragsa sa Traslacion sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, 2019.

Ani National Capital Region Police Office Chief Director General Guillermo Eleazar, sa ginanap na press briefing na ang Traslacion ay magsisimula ng alas-5:00 ng madaling-araw kung saan lalakarin ng mga deboto ang may 6.1 kilometro ruta ng Traslacion mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church.

Bawat taon, ginagawa ang Traslacion ng mga debotong Katoliko sa paniniwala na nagmimilagro ang Poon ng Itim na Nazareno. Ayon kay General Eleazar, may 7,200 puwersa ng pulisya ang ikakalat sa Quirino Grandstand sa ruta ng prusisyon hanggang sa paligid ng Manor Basilica para magbigay ng seguridad sa mga deboto.

Matatandaang, umabot sa 23 oras ang prusisyon bago naibalik sa Simbahan ang Poong Itim na Nazareno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page