2 miyembro ng basag kotse utas sa pulis
- Jeff Tumbado
- Jan 3, 2019
- 1 min read
NAPASLANG ng mga pulis ang dalawang lalaki na miyembro umano ng Basag Kotse Gang sa Bgy. Greater Lagro, Quezon City.
Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, Jr. unang nakatanggap ng reklamo ang QCPD Station 5 tungkol sa insidente ng pagnanakaw.
Kuwento ng biktima na isang barangay official, binasag ng dalawang kawatan ang salamin ng kanyang sasakyan at kinuha ng mga ito ang kanyang tablet at laptop.
Agad nagkasa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang makorner ang dalawa.
Samantala, nagsasagawa naman ng buy-bust operation ang isa pang team ng mga pulis sa lugar at nang makita ng dalawang lalaki ang mga ito ay una silang nagpaputok ng kanilang mga baril.
Gumanti ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Narekober mula sa mga ito ang dalawang kalibre .38 revolver na kargado ng mga bala at ilang mga gamit na pinaniniwalaang ninakaw ng mga ito.





Comments