top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mister binaril sa ulo, utas

Maeng Santos
Jan 2, 2019
1 min read

TODAS ang isang lalaki matapos dalawang beses na barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital si Edgardo Boco, 54, ng Bgy. 28, sanhi ng tama ng bala sa ulo habang tumakas naman ang suspek.

Ayon kay Caloocan City Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdinand del Rosario, alas-8:00 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Kawal Street pauwi at nang malapit na ito sa kanilang bahay, bigla na lamang sumulpot ang suspek saka malapitan itong binaril ng dalawang beses sa ulo.

Nang marinig naman ng anak ng biktima na si Elmer ang putok ng baril ay agad itong lumabas at laking-gulat nito nang makita ang kanyang ama na duguan.

Patuloy naman ang follow-up investigation sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page