Militar vs. NPA, 6 todas
PATAY ang anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pakikipagsagupa sa militar sa Negros Oriental.
Base sa impormasyon, nakilala ang mga nasawi sa engkuwentro na sina Reneboy Fat, Demetrio Fat, Dondon Isugan, Constancio Languita, Jun Cubul at Jaime Revilla.
Maliban sa mga nasawi, mayroon ding naarestong 24 iba pa sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon kabilang si dating Guihulngan Mayor Cesar Macalua.
Ayon sa AFP, nagsilbi sila ng search warrants laban sa 103 katao sa Guihulngan City at mga bayan ng Mabinay, La Libertad at Santa Catalina.
Ang anim na nasawi ay pawang nanlaban umano sa mga awtoridad kaya nauwi sa shootout ang operasyon.
Nabatid sa militar na pinoprotektahan umano ng mga miyembro ng NPA ang mga drug personality sa Negros Oriental.





Comments