top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga raket ng mga kawatan ngayong bagong taon, alamin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2019
  • 2 min read

MGA ka-BULGAR, 2019 na at ang taon daw na ito ay Year of the Pig, ayon sa mga eksperto sa Chinese Calendar. Nag­bago na ang taon ngunit, hindi pa rin nagbabago ang mga kawatan sa pame­merhuwsiyo sa kapwa kung saan ibubulgar natin ang ilan sa mga modus ng mga alagad ni ‘Taning’.

1.Palit-pera — sila ‘yung mga vendor (hindi lahat) na nakaabang sa mga mamimili na kapag nagbayad ang biktima, lalo na kung buong P1K ang ibinayad ay nagkukunwari silang abala pero, mabilis ang mga kamay na pinapalitan nang P100 ang perang P1K na ibinayad ng biktima at agad sasabihin ng suspek na P100 lang ang ibinayad ng biktima. Natural, magugulat ang kaawa-awang biktima.

2.Sindikato ng pekeng pera — sila ‘yung mga vendor (hindi lahat) na kapag buong perang papel ang ibinayad ng biktima ay nagkukunwaring magpapapalit ang vendor pero, sa pagbabalik ay idideklara nito na peke ang perang ibinayad ng biktima. Mag-ingat!

3.Doble ang price tag — sila ‘yung vendor (hindi lahat) na dalawa ang price tag na ang isa ay nakatago na kapag binili ng biktima ang paninda ay agad binabaligtad ang price tag ng mas mahal kaysa sa nakalagay sa pa­ninda. Natural, mabibigla ang biktima, maging mapagmasid!

4.Tricycle-in-tandem — sila ‘yung pumapasadang driver (hindi lahat) na may kunwaring pasahero sa likod nito (kasabwat), pero kapag may su­ma­kay na tunay na pasahero ay dinadala nila ito sa liblib na lugar at hinoholdap at ang masaklap kung minsan ay nagagawa rin nila itong pagsaman­talahan, lalo na ang kababaihan. Mag-ingat!

5.Bundol Gang — sila ‘yung nagma­matiyag sa mga parking lot na kapag may prospect nang bibik­timahin ay kanila itong sinusundan at kapag nasa ilang na lugar na ay binu­bundol ng mga demonyong ito ang sa­sakyan ng biktima at kapag huminto ang biktima ay kanila itong hinoholdap at kapag kaya nila ang biktima ay kinakarnap ng mga balasubas ang sasakyan ng kaawa-awang biktima. Mga ka-BULGAR kapag may bumundol sa inyo, ‘wag na ‘wag kayong bababa sa inyong sasakyan para hindi kayo mabiktima.

Mga ka-BULGAR, ilan lamang ito sa mga raket ng mga walanghiyang anak ni ‘Taning’ na magsilbing babala para hindi kayo mabiktima.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

HAPPY NEW YEAR SA ATING LAHAT!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page