MAYWEATHER, WAGI SA JAPAN PACMAN FIGHT, BOMALABS?

AGAD na tumakbo sa gilid ng ring si Floyd Mayweather, Jr., nang pabagsakin sa bisa ng technical knockout si Japanese Tenshin Nasukawa ng tatlong beses sa kanilang exhibition bout kahapon. (AFP/Getty)
SAKALI raw na ang darating na laban ng Manny Pacquiao-Adrien Broner World Boxing Association welterweight championship bout at ito ang tataob sa lukratibong Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. rematch hindi na raw magugulat ang Pinoy titleholder.
Inaasahan pa naman ng dismayadong boxing fans sa buong mundo na ang kanilang paboritong fighters ay maghaharap muli at muling wawasak sa kikitain sa gate ng mga manonood maging sa pay-per view record na una nilang nagawa noong una nilang naging engkuwentro.
Sa isang Instagram na naipaskel ng live bago ang kanyang exibition match kontra Japanese Tenhin Nasukawa sa Japan, ang 50-0 record holder na si Mayweather ay nagsabi na: “I’m retired. I’m just having a little fun entertaining my fans but I’m still going to pick up that bag (of cash) and have a little fun for nine minutes.”
Mukhang wala na raw interes ang undefeated American para sa Pacquiao 2 fight, pero nang tanungin sa kanyang dressing room matapos na pabagsakin ang kanyang 20-anyos na kasagupa sa unang round ay muli na namang naungkat kung siya ay magreretiro na muli, pero wala siyang naging kasagutan.
“I’m not coming back. I’m still retired. I just came over here (to Japan) as they got a little guy who is shorter than me,” saad ni Mayweather sa ulat ni Niall Doran ng Boxing News na lumabas naman sa ulat ng Philboxing.





Comments