Lalo na kung dehins umepekto ang ininom mong gamot, lodi! MGA PARAAN UPANG GUMALING ANG SAKIT NG TIY

FOR sure, busog na busog ang karamihan sa naganap na media noche sa kani-kanilang mga tahanan. Ang tanong, natunawan ba kayo? Ha-ha-ha! Kung hindi pa, lodi, don’t worry dahil narito na ang ilang tips para sa inyo upang masolusyunan ang indigestion:
1. PEPPERMINT TEA. Hindi lang basta breath freshener ang peppermint, lodi. Mayroon din itong antispasmodic effect sa katawan na nakatutulong para maibsan ang indigestion. Inumin lamang ito pagkatapos kumain. Kung hindi n’yo naman bet ang peppermint tea, oks lang ‘yan dahil puwede rin ang peppermint candy. Copy?
2. APPLE CIDER VINEGAR. Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng indigestion ay ang mababang acid sa tiyan. Upang maiwasan ito, ihalo ang dalawang kutsarita ng raw apple cider vinegar sa isang basong tubig at inumin ito ng 30 minuto bago kumain. Sa mga may ayaw sa amoy ng apple cider diyan, for sure, kakayanin ninyong tiisin ito para mawala ang sakit ng tiyan ninyo. He-he-he!
3. GINGER. Pakuluan ang isa hanggang dalawang piraso ng ugat ng luya at apat na baso ng tubig. Ayon sa mga eksperto, puwede rin itong dagdagan ng honey o lemon depende sa inyong kagustuhan. Nakatutulong umano ito upang mabalanse ang acid sa tiyan. Sobrang easy lang, ‘di ba?
4. BAKING SODA. Bukod sa indigestion, nakatutulong din ang baking soda upang matanggal ang pagka-bloated at gas sa tiyan pagkatapos kumain. Upang gamitin ito, ihalo ang ½ kutsarita ng baking soda sa 4 ounces ng maligamgam na tubig at inumin ito. Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng baking soda ay maaaring magdulot ng hindi magandang side-effects tulad ng diarrhea, constipation at pagsusuka. Inirerekomenda rin na huwag nang ulitin ang pag-inom ng baking soda sa loob ng dalawang oras.
5. LEMON WATER. Upang gawin ito, kumuha ng isang kutsarang katas ng lemon at ihalo sa maligamgam na tubig at inumin ilang minuto bago kumain. Ayon sa mga eksperto, ang alkaline na taglay ng lemon water ay mabisang pampababa ng acid sa tiyan.
Bukod pa rito, mayaman sa Vitamin C ang nasabing inumin, ngunit, ang labis na pag-inom nito ay maaaring makaapekto sa ating pag-ihi, kaya inirerekomenda ng mga eksperto na uminom ng tubig pagkatapos inumin ang lemon water.
Oh, ayan, mga lodi, siguradong hindi na kayo mamimilipit sa sakit ng tiyan n‘yo dahil sa napaka-easy na home remedies na ito. Kaya gora na sa inyong mga kusina para hagilapin ang inyong mga kakailanganin. Gets n’yo?





Comments