top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kung may karapatan sa kopya ng mga aralin ang lektor

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman bilang lecturer kung mayroon ba akong karapatan sa copyright ng aking lectures kahit na ang mga laman nito ay hindi ko naisulat o nailagay sa isang dokumento? — Jazrette

Dear Jazrette,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 172 ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

“SECTION 172. Literary and Artistic Works. —

172.1. Literary and artistic works, hereinafter referred to as “works”, are original intellectual creations in the literary and artistic domain protected from the moment of their creation and shall include in particular:

xxx.

c. Lectures, sermons, addresses, dissertations prepared for oral

delivery, whether or not reduced in writing or other material

form; xxx.” (Binigyang diin)

Samakatwid, kayo ay may kara­patan sa copyright ng inyong mga gina­wang lecture kahit na ang mga laman nito ay hindi ninyo nailagay sa isang dokumento.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page