Giyera sa droga, kriminalidad at korupsiyon ngayong 2019 | TULUNGAN N‘YO ‘KO — DIGONG
- Mylene Alfonso
- Jan 2, 2019
- 1 min read

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na tulungan siya sa kanyang giyera laban sa iligal na droga, kriminalidad at korupsiyon ngayong 2019.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo sa publiko na sariwain ang mga naging karanasan noong nakalipas na taon at matuto sa anumang naging pagkakamali.
“Let us all work hand in hand to defeat the ills of drugs, criminality and corruption that stunt our development,” pahayag ni P-Duterte.
“I have no doubt that, with our patriotic fervor and with our solidarity as a people, we can overcome the challenges that impede our continued march towards a more prosperous and progressive future,” wika pa ng pangulo.
Umapela rin si P-Duterte sa taumbayan na harapin ang anumang pagsubok sa hinaharap na kayang pagtagumpayan bilang bansa.
Matatandaang, nagtapos ang taong 2018 na may magandang rating ang pangulo matapos tumaas ng apat na puntos ang satisfaction rating nito batay sa pinakahuling resulta ng survery ng Social Weather Stations habang ang isa pang survey ng SWS ay lumilitaw na siyam sa 10 Pilipino ay puno ng pag-asa kaysa sa takot ngayong pagpasok ng taong 2019.





Comments