top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DE LUNA AT 23 PA, SASARGO SA 2019 WORLD POOL MASTERS

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jan 2, 2019
  • 1 min read

NAIMBITAHANG su­margo sa malupit na tor­neong 2019 World Pool Mas­ters sa loob ng Victoria Stadium ng Gibraltar nga­yong Marso 29 - 31 ang bati­kang cue artist na si Jeffrey De Luna ng Pilipinas kasama ang 23 iba pang bigating ma­nunumbok mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig.

Sa kasalukuyang talaan ay solong Pinoy ang 34-ta­ong gulang na si De Luna, kampeon sa 6th Annual Cole Dickson 9-Ball tourney sa California, na naimbitahan sa prestihiyosong 9-ball na kom­petisyong uusad na sa pang-26 na taon na at mag­lalatag ng kabuuang $100,000 winners’ cash pot.

Nakahambalang naman sa kampanya ng Pinoy na makuha ang champion’s purse na $25,000 ang nagta­tanggol na kampeong Niels Feijen ng Netherlands (nag­hari rin noong 2013), Scottish Jayson Shaw na siya ring ka­salukuyang hari ng US Open, ang pambato ng Taiwan na si Ko Pin-yi, si Polish ace at European 9-Ball champion Konrad Juszczyszyn, World 9-Ball titlist Joshua Filler ng Germany, dating World Pool Billiards Association no. 1 Eklent Kasi ng Albania at si Mosconi Cup MVP Skyler Woodward ng USA.

Nag-aambisyon din ang isa pang USA stalwart at iti­nuturing na Mosconi Cup hero na si Shane Van Boening. Ang manunumbok na kilala sa bansag na Dakota Kid ay kasalukuyang pampito sa WPA rankings at dalawang beses nang naghari sa torneo (2014-2015). Aaligid din sa trono ang Japanese gem na si Naoyuki Oi, 2017 winner David Alcaide ng Spain, Matt Edwards mula sa New Zealand, ang Kastilang si Francisco Sanchez Ruiz at si Albin Ouschan bilang kinatawan ng Austria.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page