PHL TRACKSTERS, MASUSUBOK SA 19 NA ASIA INT’L ATHLETICS
- Clyde Mariano
- Dec 31, 2018
- 2 min read

KUMBAGA sa wikang banyaga its’ a busy year for 2019 for the tracksters kung saan inimbitahan ang Pinoy na lumahok sa 19 international athletics competition na karamihan ay gagawin sa Asya.
Sa 19 na foreign invitations na pinadala sa PATAFA office, lima ang China kasama ang dalawa na gagawin sa Hong Kong.
Ito ang two legs Asian Grand Prix Athletics championships na gagawin sa lalawigan ng Chongqing at 17th Asian Marathon na gagawin sa Nobyembre bago ang 30th Southeast Asian Games.
Ang paligsahan ay gagawin sa Hong Kong at ang 3rd Asian Youth Athletics at Inter Cities Marathon ay sa Hunyo. Ang 11-nation biennial meet ay lalarga sa Disyembre bago mag-Pasko sa bagong gawang state-of-the-art New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac. Dahil limitado ang budget, sinabi ni PATAFA president Philip E. Juico na piling-pili ang lalahukan ng kanyang mga atleta at iyon lang na makatutulong sa kanilang paghahanda sa SEA Games. “Our athletes will compete in tournament beneficial to them. Because of financial constraint, we will limit our participation,” wika ni Juico.
Ang iba pang overseas competitions ay ang Asian 20km Race Walk (Nomi, Japan), 23rdAsian Athletics at IAAF World championships (Doha, Qatar), Singapore Open Athletics, Taiwan Open at Taiwan Indoor Pole Vault, Thailand Open, Malaysian Open, Korea Open, Vietnam Open at 7th Mokpo International Throws sa Korea.
Si current SEA Games pole vault winner Ernest John Obiena at reigning champion sa Thailand Open ay sasabak sa Thammassat University Sports Stadium sa Bangkok kung saan muli niyang makakaharap si dating SEA Games ruler local boy Puranot Purahong.
Ang dalawang torneo ay gagawin sa labas ng Asya ay ang IAAF World Cross Country sa Marso sa Aarhus, Denmark at IAAF World Relay Championships sa Mayo sa Nassau, Bahamas. Maliban sa overseas tournaments, pupunta ang mga atleta sa Asya at ASEAN sa Pinas para lumahok sa foreign-laced Philippine Athletics Open Championship at 14thSoutheast Asian Youth Athletics.





Comments