top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagtingin sa positibong side ng buhay, oks!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 31, 2018
2 min read

KAUNTING oras na lamang ay magpa­paalam na tayo sa 2018. Sa bawat taong lumilipas, alam nating maraming aral na naihatid ang kani-kanya nating mga landas.

Anuman ang inyong pinagdaanan sa taong ito, dalangin nating mapuno ng pagmamahal, pang-unawa at pagtanggap ang inyong mga buhay ngayong darating na 2019. Marami man pagsubok na pagdaanan, sana ay hindi natin malimutang balikan ang mga magaganda at positibong mga alaala upang tayo ay mas ganahang maging mabuting miyembro ng lipunan.

Marami tayong pinagdaanan mula pa lamang ng pagka-senador natin. Kaliwa’t kanang pamba-bash kahit wala namang basehan, higit lalo sa ating kulay. Hindi natin kailanman ikinahihiya ang kulay natin at habang nakasasakit ang mga patutsada sa atin ay natutunan na rin nating tanggapin ang mga ito na may ngiti sa ating mga labi.

Living with a positive outlook in life has greatly improved how we feel about criticisms. Nais nating tulungan ang iba pang mga kababayan nating maaaring nahihirapan sa mga panlilibak sa kanila na makita ang positibong side sa buhay. It is so important to wake-up each morning with a positive view.

Para sa ating bansa kung saan ang New Year’s Resolution ay tila tradisyon na sa bawat isa, sa tingin natin ay mahalagang makita natin ang benefits ng pagiging optimistic sa buhay pagdating sa changes and challenges na nais nating tahakin ngayong 2019. Anuman ang nais ninyong baguhin, sana ay isapuso nating palagi na our best selves are within reach, kailangan lamang nating magpursige sa buhay.

We want to end 2018 on a positive note at dalangin nating mas marami pa sa atin ang maging hangaring mabuhay na may positibong pananaw. Sa ganitong paraan, maipapasa natin sa mas maraming tao ang optimism na ating nararamdaman. Dahil sino ba naman ang hindi mawawala ang kunot ng noo kapag ang kausap ay taong matulungin at masigla?

My prayer is that as 2019 begins, mahanap na sana natin sa mga sarili natin ang motivation upang makita ang kabutihan sa lahat ng tao na ating makasasalamuha. Nawa ay simulan natin ang Bagong Taon ng pagmamahal, pagmamalasakit at kapayapaan ang ipaiiral para sa ating kapwa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page