P-Duterte, imbes atupagin ang mga binagyo at nilindol, busy na naman sa kababanat sa Simbahan, tsk-t
- BULGAR

- Dec 31, 2018
- 2 min read
IMBES ALAMIN ANG KALAGAYAN NG MGA NILINDOL AT BINAHA, PANG-AALIPUSTA SA MGA KATOLIKO AT DIYOS ANG INATUPAG NI P-DUTERTE — Inatake na naman ni P-Duterte ang mga Katoliko at ang Diyos, nang sabihin niya sa harap ng mga residente ng Kidapawan City na wala raw sa pag-iisip ang mga Katoliko dahil nagdarasal daw sa Diyos, nagdarasal pa raw sa mga santong “yawa” at ang Diyos daw, hindi dapat kabiliban kasi ipinako na raw ito sa krus.
Pambihirang pangulo ito, imbes na alamin ang sitwasyon ng mga residente na nilindol sa ilang lalawigan at siyudad sa Mindanao at ang mga binaha dulot ng Bagyong Usman sa ilang probinsiya sa Eastern Visayas, Bicol Region at Southern Tagalog Region, eh, ang napagdiskitahan ay alipustahin na naman ang mga Katoliko at ang Diyos, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
PAMBABASTOS SA KANILANG MAID, IBINIDA PA NI P-DUTERTE — Ibinida rin ni P-Duterte sa mga taga-Kidapawan City na noong kabataan daw niya ay binosohan at tinangka rin daw niyang molestiyahin at ipasok ang kanyang daliri sa ari ng kanilang kasambahay noon.
Kung joke ni P-Duterte ‘yan ay hindi magandang joke ‘yan kasi ang kasambahay ay dapat iginagalang at tinatratong kapamilya at hindi binabastos, period!
◘◘◘
DAPAT PA BANG I-MEMORIZE, BAKIT MARAMING RAPE CASE SA DAVAO CITY? —Sa lahat ng mga naging pangulo, si P-Duterte ang madalas mambastos ng kababaihan, mang-rape joke at ang latest, ibinibida niya ang ginawa niya sa kanilang kasambahay noong kabataan niya.
Sa mga isyung ‘yan, eh, dapat pa bang i-memorize kung bakit number 1 sa rape case ang Davao City.
Hindi fake news ‘yan, ha, kasi ang nagsabi niyan ay si PNP Spokesman C/Supt. Benigno Durana, base raw ‘yan sa data ng PNP-Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), boom!
◘◘◘
HAPPY NEW YEAR SA LAHAT NG MGA SUMUSUPORTA SA PAHAYAGANG BULGAR AT BULGAR ONLINE—Mamayang pagsapit ng 12:00 a.m. ay 2019 na.
Kaya sa lahat ng mga mambabasa ng pahayagang BULGAR at mga nakasubaybay sa BULGAR online, Happy New Year sa ating lahat!





Comments