Mula noon hanggang ngayon, mga tao maka-material, period!

HULING araw na ngayon ng 2018.
Mamaya, unang araw ng 2019.
Manigong Bagong Taon sa lahat!
◘◘◘
UMANGAT nang todo ang grado ni P-Digong.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
BUNTIS si Marian Rivera.
Siya ay may mister!
◘◘◘
BAKIT kaya ibabalita pa na nabuntis ang isang babae, gayung alam ng lahat na ito ay may asawa?
Ibabalita lang dapat kapag nabuntis ang dalaga nang “walang nangialam” na lalaki!
◘◘◘
SA Bibliya, ang babaeng nabuntis kahit virgin ay binansagang mabuting balita.
Pero, sa ating panahon, ang dalaga na nabuntis nang walang asawa, ito ay tsismis!
◘◘◘
SA Bibliya, ang tawag sa nagkalat ng istorya sa nabuntis na dalaga ay binansagang evangelist.
Sa ating panahon, ang nagbabalita na nabuntis ang dalagang walang mister ay mga tsismoso’t tsismosa!
◘◘◘
SA millenials, ang nagkakalat ng inimbentong balita ay trolls.
Kumalat ang good news sa Bibliya kahit walang trolls!
◘◘◘
HINDI rin napigil ng diktador ang paglaki ni HesuKristo.
Sa ating panahon, tiyak na sasakupin ng makapangyarihang bansa ang Bethlehem para lang patayin si HesuKristo.
◘◘◘
NAKASANDAL ang kadakilaan ng lider kung gaano karami ang napatay nitong ordinaryong tao.
Mula noong panahon ng Bibliya hanggang ngayon, maka-material na ang mga tao.
Walang talab ang pangaral ni HesuKristo hanggang ngayon!





Comments