top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung kering mag-wish para sa sarili, keri rin para sa bansa, ganern!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 31, 2018
  • 2 min read

KAUNTING kembot na lang, Bagong Taon na! Ibig sabihin, bagong chapter na naman ito ng buhay natin. Siyempre, kapag Bagong Taon, may mga expectation na naman tayo sa ating mga sarili — mga wish o bucketlist na hindi natin natupad noon ang muli nating susubukang matupad ngayong taon.

Pero, habang tayo ay naglilista ng ating mga wish o mga bagay na gusto nating matupad para sa ating sarili, okay din siguro na meron din tayong wish para sa ating bansa.

Unahin na natin na sana, magtuluy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng petrolyo — ‘yun bang hindi na ito tataas pa at manatili sanang below P40 kada litro. Kapag mababa na ang presyo ng langis, hindi na tayo mag-aalala na tataas ang singil ng pamasahe sa jeep at bus. Magiging happy na rin ang ating jeepney at bus drivers!

Siyempre pa, kapag mababa na ang presyo ng langis, magti-trickle down din ‘yan sa presyo ng mga bilihin. Magmumura na siguro ang mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, mantika, isda, gulay, baboy, manok at marami pang iba.

Gayundin, sana, magtuluy-tuloy na rin ang maayos na operasyon ng MRT. Hindi tulad noon na araw-araw ay may aberya ang MRT. Pero, nitong mga nakaraang linggo, umaayos ang operasyon nito at wish natin ay lalong maging maayos na ito at maging kapaki-pakinabang sa ating mga mananakay.

Isa rin na ipinagdarasal natin na maging payapa, tahimik at patas ang magiging halalan sa Mayo. Hindi ba, bago mag-Pasko, matitinding patayan ang nangyari at sinasabing may kaugnayan daw ang mga ito sa politika? Sana lang ay maghunos-dili ang mga friendship nating pulitiko at hayaang mamamayan na ang magdesisyon para sa kanila.

Sa ating mga mahahalal na opisyal sa darating na halalan, sana lang ay tunay na serbisyo sa mamamayan ang maging ultimate objective natin at hindi pampersonal. Maging tunay silang katuwang ng mamamayan para maging maayos ang buhay ng lahat.

Ang isa pang wish at dasal natin para sa papasok na Bagong Taon ay maging ligtas, mapayapa at tahimik ang ating bansa. Sana, maging ligtas ito sa mga matitinding kalamidad tulad ng bagyo, lindol at iba pang natural disaster. Sana rin, tayong mga tao ay maging mapagmahal sa ating kapaligiran upang maging mabuti sa atin ang kalikasan. Happy New Year sa ating lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page