top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kasabay ng New Year… KIM AT XIAN, SA CHINA MAGPAPAPUTOK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 31, 2018
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Right: Kim Chiu instagram

KASUNOD ng maugong na balitang nagkakaagawan ng sinehan ang mga official entries ng Metro Manila Film Festival 2018 dahil diumano’y may pinapaboran at ibinibigay sa pelikulang mas maraming manonood ang ilang theaters, mukhang hindi rin nakaligtas dito ang official entry ni Kim Chiu na One Great Love kung saan ay leading men niya sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Ipinost kasi ng BF nitong si Xian Lim sa Instagram story ang litrato ni Kim kung saan ay makikitang nakayuko ang aktres na tila umiiyak sa loob ng kotse, na nilagyan pa niya ng caption na: “It’s ok you did your best...” at may hashtag na “#morecinemasforone­greatlove”.

Nakuha ng pelikulang One Great Love ni Kim Chiu ang award na 3rd Best Picture pero sa kabila nito ay hindi ito naging mabenta sa mga moviegoers.

Hindi lang sigurado kung ito lang ba ang pinagdaraanan ng aktres dahil bago maganap ang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2018 ay mainit na pinag-uusapan ng lahat na siya ang mag-uuwi ng Best Actress award dahil sa kanyang mas mature na pagganap at sa unang pagkakataon ay game na game na gumawa ng daring scenes sa kanyang mga leading men.

Ngunit hindi ito nasungkit ni Kim dahil iginawad ang award sa lead actress ng pelikulang Rainbow’s Sunset na si Ms. Gloria Romero.

Kabaligtaran naman sa malu­ng­kot na hitsura ng aktres na ipinost ni Xian sa kanyang Instagram story, masayang nag-post at nagpasalamat si Kim sa kanyang Instagram account sa 11 nominations at tatlong awards na naiuwi ng kanyang movie. Masaya raw siyang naging parte ng ‘wonderful project’ na ito. Binati rin ng aktres ang nanalong Best Actress na si Ms. Gloria Romero at sinabing, “Truly an icon of all time”.

After ng post na ito, masayang ibinahagi naman ni Xian Lim sa kanyang Instagram story ang holiday vacation nila ni Kim Chiu sa China.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page