top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kaalaman tungkol sa expiration ng Civil Service Eligibility

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 31, 2018
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung may expiration ang Civil Service Eligibility ng isang tao? — Jerome

Dear Jerome,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 1 ng Republic Act No 1079 kung saan nakasaad na permanente at walang time limit ang Civil Service Eligibility:

“Section 1. Civil Service Eligibility shall be permanent and shall have no time limit.”

Batay sa nabanggit na batas, walang expiration ang Civil Service Eligibility ng isang tao sapagkat ito ay permanent at walang time limit.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page