JAPAN FIGHT NI MAYWEATHER ‘ALL ABOUT ENTERTAINMENT’


WALANG ibang nasa isip si Floyd Mayweather Jr. kundi ang bigyan ng entertainment ang fans sa bisperas ng Bagong Taon sa laban niya kontra Japanese kickboxing prodigy Tenshin Nasukawa sa Tokyo, Japan.
Ang 41-anyos na unbeaten champion ay muntik-muntikan nang magretiro muli pero mas pinili ang one-off “exhibition” sa Saitama, North ng Tokyo, kontra kay “Ninja Boy” Nasukawa, ang fighter na halos matanda siya ng 20-taon.
“It is all about entertainment. I don’t worry about anything,” natutuwang pahayag ni Mayweather sa reporters sa isang news conference bilang bahagi ng pinakaabangang exciting na laban na karaniwang sinasamahan ng pre-fight events.
Ang laban nila ngayong Lunes ay idaraos sa ilalim ng boxing rules na mayroon lamang tatlong minutong rounds, kung saan ang beteranong si Mayweather ay nagsabi na makukumpleto na raw ang kanyang tulog.
Ang exhibition game naman ay walang opisyal na panalo o matatalo sa kasagsagan ng laban, ibig sabihin ang dalawa ay maari nilang mapanatili ang kanilang walang talo na records kahit walang knockout.
Sinabi rin ni Mayweather na walang opisyal na judges at ang laban ay hindi ika-count sa opisyal na record ng bawat isang atleta.
Gayunman, sinabi ng relaxed American na wala siyang pakialam kung pababagsakin man siya ng kanyang kalabang Hapones.
“Me getting knocked out or me getting knocked down ... I don’t worry about it at all. If that does happen, I mean that’s entertainment. That’s all we need to see,” ani Mayweather.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Nasukawa na hindi niya nararamdaman ang rules ng laban na “unfair,” bagamat kukulangin siya sa kanyang skills. (MC)





Comments