Bigtime pusher nasakote
Pabs Hernandez III
Dec 31, 2018
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tumaga sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Karnuk Tero, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments