Sasakyan bumaligtad, 2 parak nadale
- Jeff Tumbado
- Dec 30, 2018
- 1 min read

DALAWANG pulis ang sugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa Alicia, Isabela.
Dinala sa pagamutan at kapwa nasa maayos ng kondisyon sina PO1 Floyd Mamauag, 30, at PO1 Robin Catulin, 24.
Batay sa ulat, nag-overtake umano ang mga biktima na sakay sa Montero Sport sa isa pang sasakyan na nasa kanilang harapan.
Bagama’t, nakaiwas sa kasalubong na kotse ay dumiretso naman ang kanilang sasakyan sa malaking kanal bago bumaligtad.
Nakaligtas naman ang dalawa pang sakay ng SUV na sina PO1 Brian Don Mendoza, 24, at PO1 Rommel Cabansag, 26.
Sinasabing sobrang madulas ang kalsada dahil sa pag-uulan ang dahilan ng aksidente.





Comments