top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PASYA NG OPBF SA PINOY BOXER PINALAGAN, “DI PUWEDE ‘YAN!”

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2018
2 min read

PUMA­LAG ang Games and Amuse­ment Board (GAB) sa na­ging de­sisyon ng Orien­tal Paci­fic Boxing Fe­deration (OP­BF) na bawian ng titulo si Fili­pino bantam­weight Mark John Yap.

Sa sulat ni GAB Chair­man Abraham ‘Baham’ Mitra kay OPBF president Tsuyoshi Yasuko­chi ng Japan na may petsang Disyembre 24, kinuwesti­yon niya ang naging desis­yon na aniya’y isang sampal para sa career at katauhan ng Pinoy fighter. “We at the Phi­lippines Games and Amuse­ments Board (GAB) would like to formally inquire why Filipino boxer Mark John Yap was removed as OPBF bantamweight champion and why now only rated as # 1? May we request for an explanation,” pahayag ni Mitra.

Iginiit niya na kailangang maprotektahan ng GAB ang career at katayuan ng Pinoy boxers sa international com­munity dahil ang pagbawi ng titulo kay Yap na walang balidong dahilan ay direktang makakaapekto sa WBC world ranking ng Pinoy boxer. “This (stripping of Yap’s title) has caused him (Yap) to loose his WBC # 11 world ratings,” pahayag ni Mitra, hinggil sa ipinadalang opisyal na mensahe ni Yaso­kuchi kung saan hiniling nito sa WBC Ratings Committee ang pag-alis kay Yap sa WBC rating. “I do not want Filipinos to be pushed around.”

Ang OPBF ay isang pro­fessional boxing organiza­tion na affiliated sa WBC at may kapangyarihan na magbigay ng sanctions sa title fights sa Asian and Pacific region. Ngu­nit, bilang tagapanga­siwa ng professional sports sa bansa at tagapagtaguyod ng career ng mga Pinoy fighters, tungkulin ng GAB na labanan ang anumang uri ng paninikil at pagmamal­trato sa Pinoy ng anumang international boxing body.

Sa naturang sulat, hiniling ni Mitra kay Yasukochi na itigil ang itinakdang laban sa pagitan nina Japanese ban­tam­weight boxers Yuki­Strong Kobayashi (14-7, 8 KO) at Keita Kurihara (12-5, 11KO) sa Osaka, Japan dahil ang OPBF title ni Yap ang itinaya. Aprubado ni Ya­sukochi ang laban. “May we (GAB) request for that OPBF title bout on December 24 to be stopped until this issue is finally settled,” pahayag ni Mitra. Ngunit, nagtaingang-kawali ang Japanese official at itinuloy ang laban na pinagwagian ni Kurihara. “Hangga’t maaari, sinusu­nod natin ang protocol. Medyo hindi naging ma­ganda ang response sa re­quest natin kaya, iaakyat natin sa WBC ang issue,” aniya. Ang kopya ng liham ni Mitra sa OPBF ay nakuha ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS), ang Manila-based media group na binubuo ng mga pa­ngunahing tabloid sa bansa. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page