MAS INTENSIDAD AT EXCITING ANG NEW SEASON NG SUPERLIGA
- BULGAR

- Dec 30, 2018
- 2 min read

ISA pa muling kaabang-abang na labanan ng volleyball sa Philippine Superliga (PSL) ang pormal na matutunghayan sa pagbubukas sa bagong season simula sa Enero 2019.
Base sa official calendar of events ng 2019, mas pinalaki at mas prestihiyoso ang club league sa bansa ang sisimulan sa pagpasok ng bagong taon dagdag pa ang pagkakaroon ng tradisyonal na Fans’ Day at iba pang out-of-town activities tulad ng exhibition matches at volleyball clinics sa pagitan ng Enero 19 hanggang 30.
Game time naman sa pagbubukas ng PSL sa Grand Prix sa Pebrero 9 kung saan ay magkakaroon ng tig-dalawang foreign players ang bawat walong magsasagupang koponan para sa paglalabanang pride and glory.
Makaraan niyan, ang liga ay pahinga muna para sa paglahok ng bansa sa Asian Women’s Club Championship sa China sa Abril 20-28 kasunod ng Beach Volleyball Challenge Cup 2019 mula Mayo 23 hanggang 26 para sa half year activities.
“This calendar of events reflects our commitment of coming up with high-level women’s volleyball action,” ayon kay PSL chairman Philip Ella Juico, na idinagdag ang suporta ng broadcast partner, ESPN5, at national federation Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc., na nanatiling solido sa liga.
Ang All-Filipino Conference ay pinagwagian ng powerhouse Petron kamakailan bago mag-Pasko ay magsisimula sa Hunyo 15 hanggang Agosto 24 kasunod ng 3rd Asian Women’s U23 Volleyball Championship sa Vietnam sa Hulyo 13 hanggang 21.
Ang iba pang international event, ang 20th Asian Senior Women’s Volleyball Championship ay idaraos sa Agosto 31 hanggang Set. 8 sa South Korea bago ang simula ng Invitational Conference mula Oct. 5 to Nov. 16.
Ang Invitational Conference ay isa muling slam-bang affair na katatampukan ng walong palaban na teams kasama ang mga regional, collegiate at iba pang club teams sa bansa.
Pahinga muli ang liga sa Nob. 30 hanggang Dis. 10 dahil sasabak ang national squad sa 30th Southeast Asian Games bago muli ang beach volleyball event sa Disyembre na pormal na magsasara sa season.
“I believe our 2019 season will be as action-packed and as intense as the previous years.
We’re looking forward to another successful season with the help of the players, clubs, sponsors, our broadcast partner, the national federation and, of course, the fans,” saad ni Juico. (VA/MC)





Comments