KAI SOTTO, NUMERO UNO NA SA UNDER 18 CAGER NG FIBA.COM
- BULGAR

- Dec 30, 2018
- 1 min read

MALIBAN sa naging dominasyon niya sa juniors division ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), nangingibabaw rin sa kasalukuyan si Ateneo de Manila center Kai Sotto sa hanay ng mga youth players sa buong Asia.
Batay sa ranking ng International Basketball Federation, si Sotto ngayon ang no.1 under-18 cager sa buong rehiyon.
Mula sa inilabas na year-end list ng FIBA.com, ang 7-foot-1 big man ng Ateneo High School ang nakaluklok sa top spot.
Nagposte ang 16-anyos na si Sotto ngayong 2018 ng average na 16.8 puntos, 13.5 rebounds, at 2.5 blocks per game sa FIBA U17 Asian Championship at 16.4 puntos, 10.6 rebounds, at 2.3 blocks sa World Cup kung saan tumapos na 13th place ang Pilipinas.
Kasunod nito ay nagtala sya ng 12.7 puntos, 8.7 rebounds, at 1.5 blocks per game sa U18 Asian Championship kung saan pinangunahan niya ang national squad sa first appearance nito sa U19 World Cup sa nakalipas na apat na dekada.
Nakaungos ang Gilas Cadet na si Sotto sa ranking kina Tamuri Wigness ng Australia, Wang Quanze ng China, Lee Hyunjung ng Korea at Samson Froling ng Australia. (VA)





Comments