top of page
Pokwang.jpg

Fire volunteer pinagbabaril, utas

mylene alfonso
Dec 30, 2018
1 min read

PATAY ang isang fire volunteer matapos pagba­barilin ng dalawang suspek na sakay ng kotse, kama­kalawa ng hapon sa Tondo, Manila.

Dead-on-spot si Dennis Tolentino, 38, bukod sa fire volunteer, nagsa-sideline din ito bilang bartender, residente ng Balut, Tondo.

Blanko naman ang pu­lisya sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek na sakay ng pulang Toyota Wigo na walang plaka.

Batay sa ulat ni PO3 Mark Daniel de Guzman kay P/Insp. Rommel Ani­cete, alas-4:40 ng hapon nang mangyari ang pama­maril sa harap ng isang bahay sa Balut, Tondo.

Una rito, sakay umano ng motorsiklo si Tolentino sa nasabing lugar nang diki­tan ng kotse na lulan ng da­lawang suspek, saka ito pi­nagbabaril.

Agad namang tumakas ang suspek sa direksiyon ng Younger St., sa Balut pag­katapos ng krimen.

Sa impormasyong naku­ha sa misis ng biktima, ka­makailan ay mayroon uma­nong nakaaway ang kanyang mister pero, hindi niya idi­netalye kung ano ang pinag-awayan at kung sino ang na­kaaway ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page