top of page
Pokwang.jpg

Alyansang military ng ‘Pinas at U.S., ipinababasura; utos ba ‘yan ng China?! Hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2018
2 min read

BAKA MAGMULTO SI DA KING SA PAG-ABSUWELTO NG HUWES SA ELECTORAL SABOTAGE KAY GMA? — Inabsuwelto ni Pasay City RTC Judge Jesus Mupas si House Speaker at ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo sa kaso nitong electoral sabotage.

Kung nabubuhay lang si Da King na nagreklamo rin noon na dinaya raw siya ng kampo ni HSGMA noong 2004 Presidential Elections, tiyak na hindi nito magugustuhan ang pag-absuwelto ni Judge Mupas sa kasong electoral sabotage na kinasangkutan din ng dating pangulo noong 2007 Se­natorial Elections.

Dahil d’yan, dapat huwag munang matulog mag-isa si Judge Mupas sa kanilang haybol kasi baka multuhin siya ni Da King, joke-joke-joke!

◘◘◘

ANG DAMING GALIT KAY P-DU­TERTE; TAPOS SA LATEST SURVEY, HATAW ANG RATINGS, EH, DI WOW! — Nagalit ang mayoryang Pinoy sa TRAIN Law ni P-Duterte dahil ang du­lot nito ay taas-presyo ng mga bilihin, marami rin ang nagalit sa pangulo ng wala itong gawing aksiyon para kasuhan ang mga sangkot sa puslitan ng tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs. Nagalit ang mga Katoliko sa pang-aalipusta nito (P-Du­terte) sa mga taong-Simbahan, pag­mumura at tinawag pang istupido ang Diyos, ta­pos sa latest survey ng SWS ay hataw daw sa taas ang rating ng pa­ngulo?

Naku, ang mainam sa latest survey na ‘yan, ikuwento ng SWS sa pagong, buwisit!

◘◘◘

CHINA, NAG-UTOS KAY P-DUTERTE NA IBASURA NA ANG ALYANSANG-MILITAR NG PILIPINAS AT U.S.? — Ang matagal nang alyansang-militar ng Pilipinas at Amerika na nagsimula pa noong 1951 ay nais nang ipabasura ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Malamang, ang nag-utos nito kay Sec. Lorenzana ay si P-Duterte at mala­mang din ang nag-utos sa pangulo ng Pilipinas na putulin na ang U.S.-Philip­pines Mutual Defense Treaty ay ang numero-unong kalaban ngayon ng Amerika at ito ay ang China, gan’un ‘yun, period!

◘◘◘

MGA ABUSADONG PULITIKO, MAY PAGLALAGYAN KAY PNP CHIEF GEN. ALBAYALDE — Matapos ipag-utos ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na kumpiskahin ang mga baril at sam­pahan ng patung-patong na kaso ang mag-amang Mayor Oscar Garin at Iloilo Congressman Richard Garin dahil sa pambubugbog sa isang pulis ay todo-pagmamakaawa ngayon sa paghingi ng sorry sa liderato ng PNP ang mag-amang pulitiko.

Kaya sa mga abusadong pulitiko, huwag na huwag ninyong gagayahin ang ginawa ng mag-amang Garin kasi siguradong may paglalagyan kayo kay Gen. Albayalde, pramis!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page